Panibagong kinatawan ng SSG 2023-2024, opisyal nang idineklara ng CEIS COMELEC
Ni Jada Kalia Aquino
Septyembre 25, 2023
Lungsod ng Malolos (Setyembre 25, 2023) — Opisyal nang inilathala ang panibagong lupon ng mga kinatawan ng Supreme Student Government (SSG) sa Centro Escolar Integrated School (CEIS) para sa Akademikong Taon 2023-2024.
Dala ng landslide victory, opisyal nang kinilala ang independyenteng kanditadong si Sebastian Bauto bilang pangulo sa 602 na boto na kaniyang inani, sinundan ito ni Jilliana Josh Del Rosario ng partidong WISELY na umani ng 84 na boto, at ang huli na si Mariel Ace San Miguel ng partidong AGAPAY na umani ng 70 na boto.
Para sa 1st Vice President, nanguna si Aian Clarence Mabanta ng partidong AGAPAY na nakatanggap ng 424 na boto na lamang sa 326 na botong natanggap ni Vea Angela De Guzman na nagmula sa partidong WISELY.
Para sa 2nd Vice President, si Lyra Franchesca Tud ng partidong AGAPAY ay nakatanggap ng 201 na boto, habang si Andrea Paulane Flores na nanalo mula sa partidong WISELY ay nakatanggap ng 548 na boto.
Bandang ika - 10 ng umaga hanggang alas - 12 ng tanghali, Setyembre 25, 2023, ginanap na ang opisyal na botohan para sa Supreme Student Government (SSG) ng Centro Escolar Integrated School (CEIS) Malolos para sa taong pampaaralang akademiko 2023-2024. Ang botohan na ito ay pinamunuan at pinangunahan ng CEIS COMELEC na ginanap sa silid aralan ng bawat mga pangkat at baitang ng junior high school at senior high school sa institusyong ito.
Matapos ito, sinimulan ang pagbilang at pagtala ng mga boto bandang 1 ng hapon kung saan anim na presinto ang nakiisa.
Habang isinasagawa ang pagbilang at pagtala ng mga boto, pinangunahan ng The Escolarian ang paghahayag ng partial at unofficial na resulta ng eleksyon sa pamamagitan ng real-time vote count na matatagpuan sa kanilang web page.
Sa anim na presintong pinagbilangan at pinagtalaan ng mga boto, nanguna sa lahat ng ito si Sebastian Bauto, ang independyenteng kumandidato para sa pagkapangulo, na ngayon ang siyang opisyal na pangulo ng Supreme Student Government ng Centro Escolar Integrated School Malolos para sa Taong Pampaaralan 2023-2024.
Mga opisyal na bagong kinatawan ng SSG para sa Akademikong Taon 2023-2024:
President: INDEPENDENT - Sebastian C. Bauto (602 votes)
1st Vice President: AGAPAY - Aian Clarence Enrico Mabanta (424 votes)
2nd Vice President: WISELY - Andrea Paulane Flores (548 votes)
Secretary: AGAPAY - Triana Rafaelle Santos (374 votes)
Asst. Secretary: WISELY - Haela Clarisse Romero (423 votes)
Treasurer: WISELY - Aleckxia Shayne (388 votes)
Asst. Treasurer: WISELY - Jasmin Camille De Leon (357 votes)
Auditor: AGAPAY - Meg Francis Lucas (358 votes)
Asst. Auditor: AGAPAY - Gabrielle Stephanie Bacolod (494 votes)
Public Information Officer: AGAPAY - Wendell Johnray (524 votes)
Asst. Public Information Officer: WISELY - Althea Khym Niecole Julian (395 votes)
Peace Officer: AGAPAY - Alfred Longcop (532 votes)
Asst. Peace Officer: WISELY - Lyndon Brent Santos (343)
HUMSS Representative: WISELY - Carl Nicholas Salamat (66 votes)
STEM Representative: AGAPAY - Pia Sarmiento (288 votes)
Grade 10 Representative: WISELY - Anntcove Pagdangan (34 votes)
Grade 9 Representative: AGAPAY - Ria Sekuguchi (47 votes)
Grade 8 Representative: AGAPAY - Nicole Magaru (70 votes)
Grade 7 Representative: AGAPAY - Brianna Dela Cruz (33 votes)