News

DepEd: Magtatapos ng Disyembre ang pilot run ng face-to-face classes

By Paul Armand Mallari  

December 23, 2021

Inanunsyo ni Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones ang pagtatapos ng pilot run ng face-to-face classes sa bansa sa katapusan ng Disyembre upang masuri ng ahensiya kung maari nang simulan ang expansion phase noong Disyembre 9 sa Bayanihan Bakunahan Culmination Activity sa Mandaluyong .

 “Tatapusin na namin itong pilot na ito by December para ma-assess namin ang success, pero so far very successful naman,” saad ni Briones. 

Sa isang hiwalay na panayam sa Headstart ng ANC noong Huwebes, sinabi ni Education Assistant Secretary Malcolm Garma na maaari nang isaalang-alang ng DepEd ang pagdaragdag ng mas maraming baitang (grade level) at mga paaralan upang magsimula ng limitadong face-to-face classes. .

"Kami ay optimistiko na maaari naming simulan ang yugto ng pagpapalawak sa Enero. Doon na natin iko-consider yung ibang grade levels na isasama, hindi na sa pilot kundi sa limited face-to-face classes talaga,” aniya.

Sinabi ni Garma na may 272 paaralan sa bansa ang sumali sa pilot run ng face-to-face classes sa ngayon, na nagsimula noong Nobyembre 15.