News

Buwan ng Wika at Kasaysayan, ipinagdiwang sa CEIS

By Joanna Chiney Kaye Santos

September 16, 2023

Ipinagdiwang ng Centro Escolar Integrated School (CEIS) Malolos ang Buwan ng Wika at Kasaysayan na may temang, “Pagpapalaya sa Kasaysayan at Kapayapaan sa Seguridad ng Filipino at mga Katutubong Wika: Kasangkapan sa Ingklusibong Pagpapatupad ng Katarungang Panlipunan,” noong Biyernes, ika-walo ng Septyembre sa CEU Centrodome. 

Ito ang kauna-unahang opisyal na co-curricular event na isinagawa ng paaralan para sa Taong Panuruan 2023-2024. Dinaluhan ng mga mag-aaral sa ika-11 at ika-12 na baitang ang nasabing pagdiriwang.

Opisyal na sinimulan nina Bb. Marly Nicorina Lopez at G. John Dale Gumba ang programa, kanila ring ipinaabot ang mainit na pagbati sa mga guro, kawani, at mga mag-aaral. Kasunod ng pag-awit ng Pambansang Awit sa ilalim ng direksyon ni Bb. Zhaina Maria Cailles at ang pambungad na panalangin na pinangunahan ni Bb. Florabel Love Geronimo, ipinahayag naman ni Bb. Abigail DC. Espineda, punong-guro ng CEIS SHS, ang kanyang pambungad na mensahe.

Naganap ang kompetisyon sa pag-awit na pinamagatang "Ang Tinig" sa ikalawang bahagi ng palatuntunan. Pormal na ipinakilala ni Bb. Lopez and G. Gumba ang mga hurado at ang mga kalahok. Pinili mula sa online elimination round na naganap ilang araw bago ang nasabing pagdiriwang ang walong kalahok. 

Sa pagitan ng programa, nagbigay ng pampasiglang bilang si G. John Lloyd Gonzales mula sa HUMSS 12-A at ang mga nagwagi sa kompetisyon sa Spoken Poetry kung saan ipinahayag nila ang kanilang pagmamahal sa bayan sa anyo ng pagsulat at pagtatanghal.

Bago ang pag-anunsyo ng mga nagwagi, ipinakilala ang mga piling mag-aaral at guro na nagsusuot ng pinakakatangi-tanging tradisyonal na kasuotang Pilipino. 

Ang mga nagwagi mula sa mga kompetisyon sa Tagisan ng Talino, Paglikha ng Poster (Tradisyonal at Digital), Talumpating Handa, Spoken Poetry, Kasuotang Pilipino, at Ang Tinig ay inihayag kaagad pagkatapos noon. Ang mga nanalo ay ang mga sumusunod:

Tagisan ng Talino

1st Place: Denise Angela Salamat at Ma. Luisa Venize Cruz

2nd Place: Keith Anderson Argonza at Irisse Jade Serapio

3rd Place: Samantha Deray at Daniel Ocampo    

Talumpating Handa

1st Place: Alexa Delos Santos

2nd Place: Mark Andrew Fulgencio

3rd Place: Angelica Palada

Paglikha ng Poster

Traditional

1st Place: Carnaley Avril Geronimo

2nd Place: Mark Aaron Gabrielle Bunag

3rd Place: Gielyn Valeriano


Digital

1st Place: Janelle Naomi Odiada

2nd Place: Maria Arabella Dasal

3rd Place: Chelsea Darlene Sayo


Spoken Poetry

Kirsten Eloise Cruz

Angelica Dionisio

Kasuotang Pilipino

Mga Mag-aaral

Chris Dayao at Jewel Balmeo 


Mga Guro

G. Francisco David at Bb. Aira Jane Santos

Ang Tinig

1st Runner up: Jhie Anne Guinoo

2nd Runner up: Janea Antonette Arciga

3rd Runner up: Triana Rafaelle Santos

Matapos igawad ang gantimpala sa mga nagwagi, nagbigay pasasalamat si Gng. Jessa Encinareal, Tagapangulo ng Buwan ng Kasaysayan. Agad naman itong sinundan ng pangwakas na pananalita ni Gng. Teresita De Leon, Katuwang na Punongguro sa Sekondarya, kasunod naman nito ang pag-awit ng CEU Hymn.