News

Buwan ng Wika at Kasaysayan, ipinagdiwang ng CEIS Malolos Senior Highschool Department

Ni Heleina Lourisse Tolentino

Agosto 31,  2024
2-min read

Iwinasto ni Loraine San Pablo

Ipinagdiwang ng Centro Escolar Integrated School (CEIS) Malolos ang Buwan ng Wika at Kasaysayan na may temang, “Mapagpalayang Wikang Filipino: Salamin ng Salaysay ng Bayan at Saysay ng Bansa 2024,” noong Miyerkules, ika-28 ng Agosto, 2024 sa CEU Centrodome.


Ito ang kauna-unahang co-curricular event para sa Taong Panuruan 2024-2025, na dinaluhan ng mga mag-aaral mula sa ika-11 at ika-12 baitang.


Sinimulan ang nasabing programa sa pangunguna nina Mark Andrew Fulgencio at Neomie Ashley Vasquez, na mainit na binati ang mga mag-aaral, guro, at kawani ng paaralan. Sinundan naman ito ng pambungad na panalangin na pinangunahan ni Bb. Lyssa Loraine Salonga at sinundan ng pag-awit ng Lupang Hinirang. Nagbigay naman ng pambungad na mensahe ang punongguro ng CEIS, Bb. Abigail Espineda, na binigyang-diin ang kahalagahan ng wika at kasaysayan.


Ang unang kompetisyon ay ang patimpalak sa pag-awit, “Ang Tinig,” na pinaglabanan ng mga piling kalahok mula sa ika-11 at ika-12 baitang.


Sumunod naman ang kompetisyon sa sabayang pagbigkas sa pagitan ng mga mag-aaral ng ika-11 baitang na hango sa piyesa ni Teodora Agoncillo na pinamagatang “Republikang Basahan.” Ito naman ay sinundan ng pagtatanghal ng mga mag-aaral mula sa ika-12 baitang na hango sa piyesa ni Patrocinio Villafuerte na pinamagatang, “Wikang Pilipino sa Pambansang Kalayaan at Pagkakaisa.”


Bago i-anunsyo ang mga nagwagi sa mga kompetisyon ay nagkaroon muna ng patimpalak ang mga piling mag-aaral sa ika-11 at ika-12 baitang na may natatanging tradisyunal na kasuotan. Ito ay sinundan ng pag-anunsyo ng mga nagwagi sa mga idinaos na patimpalak na pinangunahan nina G. Cedrick  Esguerra, G. Mike Angelo Sih, Gng. Teresita De Leon, at Bb. Florabel Love Geronimo.


Ang mga nagwagi sa UGAT: Kasaysayan, Paglikha ng Poster, Ang Tinig, Kasuotang Pilipino, Tableau, at Sabayang Pagbigkas ay ang mga sumusunod:


UGAT: Kasaysayan

Unang Gantimpala: 

Ikalawang Gantimpala:

Ikatlong Gantimpala:


Paglikha ng Poster (Ika-11 baitang)

Unang Gantimpala: 

Ikalawang Gantimpala: 

Ikatlong Gantimpala: 


Paglikha ng Poster (Ika-12 baitang)

Unang Gantimpala: 

Ikalawang Gantimpala: 

Ikatlong Gantimpala: 


Ang Tinig

Unang Gantimpala: 

Ikalawang Gantimpala: 

Ikatlong Gantimpala: 


Kasuotang Pilipino


Tableau (Ika-11 baitang)

Unang Gantimpala: 

Ikalawang Gantimpala: 

Ikatlong Gantimpala:


Tableau (Ika-12 baitang)

Unang Gantimpala: 

Ikalawang Gantimpala:

Ikatlong Gantimpala: 


Sabayang Pagbigkas (Ika-11 baitang)

Unang Gantimpala: 

Ikalawang Gantimpala: 

Ikatlong Gantimpala: 


Sabayang Pagbigkas (Ika-12 baitang)

Unang Gantimpala: 

Ikalawang Gantimpala: 

Ikatlong Gantimpala: 


Pagkatapos bigyan ng gantimpala ang mga nanalo, nagbigay pasasalamat sina Bb. Florabel Love Geronimo at G. Cedrick Esguerra, mga tagapangulo ng Buwan ng Wika at Kasaysayan. Bilang pagwawakas ng programa, nagbigay ng mensahe si Gng. Teresita De Leon na sinundan ng pag-awit ng CEU Hymn.