News

Pagbibigay-pugay ng Junior High Scool Department sa Buwan ng Wikang Filipino at Kasaysayan sa CEIS Malolos

Ni Ma. Luisa Venize A. Cruz

Agosto 31,  2024
3-min read

Iwinasto ni Loraine San Pablo

Buong sigla’t puso na ipinagdiwang ng mga mag-aaral sa junior high school (JHS) ng Centro Escolar Integrated School (CEIS) Malolos ang Buwan ng Wikang Filipino at Kasaysayan na mayroong tema na "Mapagpalayang Wikang Filipino: Salamin ng Salaysay ng Bayan at Saysay ng Bansa" noong hapon ng Huwebes, ika-29 ng Agosto 2024 sa CEU Centrodome.  


Opisyal na nagsimula ang pagdiriwang nang umapak sina G. Jerald Mari Caparas at G. John Michael Flores sa palatuntunan upang gabayan ang daloy ng programa at bigyan ng mainit na pagbati ang mga mag-aaral, guro, at kawani na dumalo sa pagtitipon. Sinundan ito ng pambungad na panalangin ni Bb. Wendylyne Entoma, at ang pag-awit ng Pambansang Awit na Lupang Hinirang. Nagpahayag si Gng. Teresita De Leon, Katuwang na Punongguro ng CEIS, ng kanyang pambungad na mensahe na sumasalamin sa tema ng programa na sinundan ng maikling pagtatanong sa mga mag-aaral tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas. 


Bago simulan ang pagpaparangal ng mga nagwagi, may ihinandang espesyal na pagtatanghal ang mga piling guro mula sa departmento ng JHS. Tunay na humanga ang madla sa kanilang nakakikilig na pagharana gamit ang  patok na awiting “Para sa Akin” ni Sitti. 


Upang bigyang-pansin at pagkilala ang husay ng mga mag-aaral sa sining at panitikan, pinarangalan na ang mga nagwagi at itinanghal ang kanilang mga gawa sa paglikha ng poster gamit ang tradisyunal (watercolor) at digital na pamamaraan. Gayundin ay ipinamalas na rin ang husay ng mga nagwagi sa pagsulat at pagbigkas ng tula. 


Ang sumusunod ay ang mga nagwagi: 


TIMPALAK SA PAGLIKHA NG POSTER (WATERCOLOR)

Unang Gantimpala

Ikalawang Gantimpala

Ikatlong Gantimpala


TIMPALAK SA PAGLIKHA NG POSTER (DIGITAL)

Unang Gantimpala

Ikalawang Gantimpala

Ikatlong Gantimpala


TIMPALAK SA PAGSULAT NG TULA

Unang Gantimpala

Ikalawang Gantimpala

Ikatlong Gantimpala

Ikaapat na Gantimpala


TIMPALAK SA PAGBIGKAS NG TULA

Unang Gantimpala

Ikalawang Gantimpala

Ikatlong Gantimpala

Ikaapat na Gantimpala


Bilang pampagising at pampasigla sa madla, nagpamalas ng husay sa pagsayaw ang mga piling mag-aaral mula sa JHS sa kanilang pagliliyab ng entablado gamit ang ilan sa mga katutubong sayaw ng bansa. 


Sinundan ito ng pagpaparangal sa mga nagwagi sa pagsulat ng sanaysay. Kasunod na kinilala ang mga nagwagi sa talumpating handa at sa solo at duwetong pag-awit kung saan sumampa sila sa entablado at tinanghal ang kanilang husay at talento. Ang sumusunod ay ang mga nagwagi:


TIMPALAK SA PAGSULAT NG SANAYSAY

Unang Gantimpala

Ikalawang Gantimpala:

Ikationg Gantimpala:


TIMPALAK SA TALUMPATING HANDA

Unang Gantimpala

Ikalawang Gantimpala

Ikatlong Gantimpala


TIMPALAK SA SOLONG PAG-AWIT

Unang Gantimpala


TIMPALAK SA DUWETONG PAG-AWIT

Unang Gantimpala

Ikalawang Gantimpala

Ikatlong Gantimpala


Matapos ang kahanga-hanga at nakahuhumaling na pagtatanghal at pagpaparangal sa mga nagwagi sa iba’t ibang paligsahan ng Buwan ng Wikang Filipino at Kasaysayan. Ibinida at ipinagmalaki ng mga mag-aaral ang kanilang mga kasuotang Pilipino sa pamamagitan ng pamamarada sa Centrodome. Nang matapos ang parada ay kinilala ang ilang mga mag-aaral, isang binibini at isang ginoo, sa bawat pangkat sa kanilang natatanging kasuotan. Ang sumusunod ay ang mga kinilalang mag-aaral:


TIMPALAK SA NATATANGING KASUOTAN



Bago parangalan ang pangkalahatang kampeon ng Buwan ng Wikang Filipino at Kasaysayan 2024 mula sa JHS ay nagbalik-tanaw muna ang mga malilikhain at masisining na yari ng mga mag-aaral na nagpapakita ng makulay at malalim na kultura at kasaysayan ng Pilipinas na itinanghal noong umaga kung saan tila naging museo ang Centrodome. Ang sumusunod ay ang mga nagwagi sa Tagisan sa Museo ng Kasaysayan at Panitikang Pilipino:


TIMPALAK SA TAGISAN SA MUSEO NG KASAYSAYAN AT PANITIKANG PILIPINO

Unang Gantimpala: 

Ikalawang Gantimpala:

Ikatlong Gantimpala:

Ikaapat na Gantimpala:

Ikalimang Gantimpala:


At sa wakas, pinarangalan bilang pangkalahatang kampeon ng Buwan ng Wikang Filipino at Kasaysayan 2024 ang pangkat na 10-Felicity.


Bilang pagtatapos sa programa at pagsasara ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Filipino at Kasaysayan 2024, nagbigay si Bb. Christian Mae Fernando, Tagapangulo ng Buwan ng Wika 2024 sa JHS, ng pasasalamat at pangwakas na pananalita. Nag-iwan siya ng katanungan sa mga mag-aaral na "Anong pwede mong gawin para sa Pilipinas?". Sinundan ito ng pag-awit ng Himno ng Centro Escolar.