Literary
Bulong ng Bayan, Sigaw ng Puso
Ni Neomie Ashley Vasquez
Setyembre 3, 2024
1-min read
Iwinasto ni Loraine San Pablo
Sa bansang Pilipinas, may isang suliranin
Ang mga mayayaman lamang ang yumayaman
Ang mga dukha'y patuloy na nahihirapan
Sa mundo ng kasakiman, nawawala ang dangal.
Kasuklam-suklam na katotohanan ito
Kung paano inaapi ang mga nasa kahirapan
Ang kanilang mga pangarap, hindi natutupad
Sila'y pinagkakaitan ng hustisya at pag-asa.
Bakit nga ba ganito ang kalagayan ng bayan?
Bakit ang mga batas ay pabor sa mayayaman?
Ang katarungan, bakit walang nararamdaman
Ang mga naghihikahos, nagugutom, at nagsisikap?
Ang sistema ng lipunan, baliktad at bulok
Ang nagmamay-ari ng kayamanan, sila ang pinapaboran
Ang tulong at oportunidad, sa kanila'y dumadaloy
Samantalang ang mahihirap, labis na pinag-iintay.
Ang korapsyon at kapabayaan ng mga makapangyarihan
Ito ang dahilan kung bakit naghihirap ang mga maralita
Ang mga serbisyo at benepisyo, hindi nila nararanasan
Ang ginhawa at kaunlaran, tila wala silang karapatan.
Ngunit hanggang kailan tayo magtitiis ng ganito?
Kailan natin sisimulan ang pagbabago at pagbangon?
Ang mundong mapang-api, dapat nating labanan
Upang makamit ang pantay na buhay na minimithi natin.
Tara't sama-sama tayong lumaban at sumulong
Wakasan na ang kasuklam-suklam na kalagayan ng bayan
Ang mga batas, dapat umalalay sa lahat ng mamamayan
Nang sa gayon, mabigyan ng pagkakataon ang mga nagnanais.
Panahon na upang matigil ang padurusa
Kagyat na aksyon ang kinakailangan ng mga mahihirap
Itayo natin ang pundasyon ng pagbabago
Bigyan ng boses ang naghihirap na Pilipino.
Sa pagtanong, pagkilos, at pagkaisa
Makakamit natin ang tunay na pagbabago sa bansa
Ang mayayaman ay hindi dapat ang yumayaman
Bagkus, ang pagkakapantay-pantay ay ating isulong.
Tiwala't pag-asa’t ang dadalhin ng ating mga puso
Magbubuklod tayo upang labanan ang kasamaan
Sa huli, malalagpasan natin ang hidwaan
At ang Pilipinas ay yayakap sa liwanag ng bagong umaga.